-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Securities and Exchange Commission sa lahat ng mga online lending platforms na magtalaga ng landline telephone connections .

Ayon sa ahensya, ang mga landline telephone connections na ito ay kailangang nakarehistro sa kanilang tanggapan at kailangang nakalink sa kanilang Articles of Incorporation.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Financing and Lending Companies Division Assistant Director Kenneth Quimio, binigyan ng SEC ang online lending company ng 15 days para magsumite ng billing statement.

Ang hakbang na ito ay magpapatunay ng kanilang pagsunod sa kautusan ng ahensya.

Giit ng SEC na ang paggamit ng landline sa halip na mga mobile numbers lamang ay magbibigay ng mas malinaw na komunikasyon.

Bukod dito ay mas makapagbibigay ito ng maaasahang serbisyo ay mas mabilis na madaling ma-verify ang pisikal na lokasyon na kanilang kompanya.

Sa sandaling wala pang naikakabit na landline, inatasan ng SEC ang presidente ng kumpanya na magbigay ng notarized affidavit patunay na nakapagsumite na sila ng aplikasyon para sa pagpapakabit ng linya.