-- Advertisements --
Umabot na sa 401 na mga lending companies ang kanselado ng kanilang lisensiya mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Ayon sa SEC, na ito ay dahil sa bigo ang mga kumpanya na sumunod sa ipinapatupad nilang reportorial requirements.
Dagdag pa ng SEC na pawang mga delinquent status ng mga kumpanya base sa kanilang records.
Sa loob aniya ng limang taon ang nasabing mga lending companies ay bigong maghain ng kanilang financial statement o general information sheets ng tatlong beses kaya kanilang kinansela na ang mga lisensiya ng mga ito.
Taong 2023 pa nila sinabihan ang mga ito na kung maari ay tanggapin ang alok nilang amnesty para hindi sila masama bilang delinquent.