-- Advertisements --
Hindi sang-ayon si Securities and Exchange Commission (SEC) chairperson Francis Lim sa pagtaas ng mga singil at fees ng ahensiya.
Ang nasabing panukala kasi ay una ng ipinasa ng SEC noon pang 2023.
Sinabi nito na mula pa noon ay hindi siya sang-ayon sa anumang pagtaas ng singil.
Mula noong ito ay maupo noong nakaraang buwan ay target na niya ang pagbaba ng mga bayarin at transaction cost.
Nagawa na niya ito noong bawasan ang reproduction fees ng 50 percent.
Ang nasabing pagtaas ng mga singil ng SEC ay hindi natuloy matapos kontrahin ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Management Association of the Philippines.