Apprubado na ng Senate Impeachment Court ang paglabas ng mga record ng Anti-Money Laundering Council ukol sa financial profile ni VP Sara Duterte.
Ayon kay court spokesman, Atty. Reginald Tongol, sinuri mismo ni presiding officer, Sen. Francis Escudero ang mga naturang dokumento at nagdesisyon na hindi umano makakasira sa confidential investigative methods kung papayagan mang mailabas ang mga naturang dokumento.
Kasunod nito ay maaari nang magamit bilang ebidensiya sa nagpapatuloy na trial ang mga financial record ni VP Sara na nagmumula sa konseho, kasama ang iba pang mga financial record na mula sa iba pang ahensiya at banko.
Ayon pa kay Atty. Tongol, batid ng korte ang pagiging sensitibo ng naturang isyu ngunit naninindigan ito na ang impeachment proceedings ay maituturing bilang legal exception sa istriktong batas ukol sa anti-money laundering.
Sa kabiulang banda, para pormal na maipasok sa records ng tribunal, inaasahang ipapasubpoena sa mga susunod na araw si AMLC executive director Ronald Buenaventura.
Sa pagharap ng opisyal, inaasahang i-authenticate niya ang mga dokumento mula sa AMLC at ipaliwanag sa mga senator-judge ang kanilang findings.
Ang mga AMLC record ay sa ilalim pa rin ng umano’y hindi maipaliwanag na kayamanan ni VP Sara Duterte na saklaw ng Article II.
















