Inirerespeto ng Drugstores Association of the Philippines (DSAP) ang pahayag ng Department of Trade and Industry’s (DTI) ukol sa pagbebenta ng over-the-counter (OTC) na gamot sa mga sari-sari store.
Suportado rin ng DSAP ang pagpapabuti ng access sa healthcare ngunit binigyang-diin na kailangan ng tamang regulasyon at pangangasiwa sa pagbebenta ng gamot.
Ipinapaalala nila ang kahalagahan ng Republic Act 10918 na naglalayong protektahan ang publiko laban sa maling paggamit ng medisina.
Tinalakay ang usaping ito sa kamakailang pagbisita ng Food and Drug Administration (FDA) director general sa tanggapan ng DSAP.
Nanawagan ang asosasyon ng mga drugstores na unahing isaalang-alang ang kaligtasan ng publiko habang hinihintay ang opisyal na posisyon ng FDA tungkol sa isyu.