-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng higit sa P150 milyong halaga ng fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at ng petrolyo.

Ayon kay Assistant Secretary for Special Concerns and Official Development Assistance at Agriculture Spokesperson Engr. Arnel De Mesa, mula sa kabuuang budget na ito, P75 milyong piso ang nakalaan para sa mamga mangingisda habang ang natitira naman ay para sa mga magsasaka.

Aniya, mayroong special provision ang pamimigay ng fuel subsidy sa general appropriations act na dapat ay pumalo muna ang presyo ng produktong petrolyo sa $80/per barrel bago maipamahagi ang pondo para sa mga benepisyaryo nito.

Nanawagan naman ang departamento sa mga retailers at stakeholders ng agricultural sector na huwag sanang abusuhin ng nga ito ang pagtaas ng presyo ng krudo para taasan din ang kanilang mga ibenebentang mga agricultural products.

Aniya, patuloy na nakatutok ang kanilang ahensya katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagmonitor ng mga presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan lara matiyak na hindi magkakaroon ng biglaang pagtaas sa presyo ng mga ito bunsod sa naging oil price hike sa gasolina.

Sa ngayon, inaasahan na mananatiling stable pa rin ang mga mga galaw ng presyo sa mga pamilihan at wala pa ring nakikitang pagtaas kaya naman payo rin ni De Mesa sa mga mamimili, kabisaduhin ang mga laro ng presyo at ang tamang range ng mga produkto upang maiwasang maabuso ng ilang nga retailers.