-- Advertisements --

Nagbigay ng paalala at abiso ang Department of Trade and Industry (DTI) matapos na makatanggap ng mga ulat ang kanilang tanggapan hinggil sa kanilang official website na nari-ridirect umano ito sa isang hindi otorisadong gambling sites at ilang pang mga malisyosong websites.

Sa isang pahayag na inilabas ng tanggapan, tiniyak nila na ang mga isyung ito ay kanila nang inaayos at agad silang nagkasa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Nakipagugnayan na rin ang ahensya sa Department of Information and Communication Technology (DICT) at maging sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang matiyak na magiging maayos agad ang kinkakaharap na isyu ng kanilang platform.

Batay aniya sa naging inisyal na ulat, posibleng dahil sa isang domain name system (DNS) hijacking incident ang naging pinanggalingan ng mga link na ito na siyang nakaapekto sa ilang areas ng kanilang website.

Samantala, nagdagdag naman ng security measures ang DTI at mas oinaigting ang kanilang seguridad sa kanilang mga server upang matiyak na hindi na ito mauulit.

Siniguro rin ng ahensya na nananatiling buo ang integridad ng kanilang mga database at walang kahit anong private information ang nakompormiso sa isyu.