-- Advertisements --

Kinumpirma ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang malaking pagbaba ng text scams sa bansa noong nakaraang taon.

Mula sa mahigit 1.28 milyong kaso noong ikalawang kwarter ng 2024, bumagsak ito sa 65,035 insidente sa parehong panahon ng 2025.

Katumbas ito ng halos 95 porsyentong pagbaba na itinuturing na malaking tagumpay laban sa cybercrime.

Ayon sa CICC, nakatulong ang pagpapatupad ng SIM Registration Law sa pagbawas ng mga pekeng mensahe.

Gayunman, lumipat ang mga scammer sa social media at messaging apps.

Karaniwang modus ngayon ang pagpapadala ng phishing links na nagkukunwaring galing sa bangko o e-wallet.

Binigyang-diin ng CICC na dapat manatiling mapagbantay ang publiko upang hindi mabiktima ng mga bagong uri ng online scam.