-- Advertisements --

Ibinahagi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na bumaba na ang mga naitatalang insidente ng mga online scams ngayong holiday season habang tumataas ang porsyento ng mga naaresto na may kaugnayan dito.

Ayon kay CICC Executive Director Renato Paraiso, bagamat inaasahan ang talamak at harapang pagssagawa ng mga online scams, bahagya nang bumaba ang bilang ng mga krimen na may kinalaman dito kasunod nang sunod-sunod na pagaresto sa mga indibidwal sa likod nito.

Aniya, ilan sa mga binabantayan ng kanilang tanaggapan ay ang paglaganap muli ng love scams pati na rin ng online shopping scam, delivery scams at maging mga travel scams ngayong kapaskuhan.

Paliwanag ni Paraiso, mas talamak ngayon ang online shopping scam lalo na at alam na ng mga kawatan o scammers na dumating o paparating na ang mga Christmas bonus at 13th month pay na maaari nilang maging entry point para makapanloko sa publiko.

Samantala, tiniyak naman ng CICC na patuloy ang kanilang monitoring sa mga online scams na ito at nanawagan na rin sa publiko na dumulog sa kanilang tanggapan at maging sa kanilang love scams upang mahuli ang mga gumagawa ng mga scams na ito.