Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa mga pribadong sektor sa kanilang mandato na ibigay ang mandatoryong 13th month pay ng mga empleyadp bago ang Disyembre 24.
Ayon kay DOLE- Bureau of Working Conditions Director Alvin Curada, ipinaalala na ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma noon pa lamang Oktubre at Nobiyembre ang responsibilidad ng mga employer sa kanilang mga empleyado na magbigay ng 13th month pay o katumbas ng isang buwang sahod.
Binigyang diin ng DOLE official na nakasaad sa Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851 na kwalipikado ang mga manggagawa sa mga pribadong kompaniya para sa 13th month pay.
Gayundin, ang mga rank-and-file employees na sinasahuran ng fixed o guaranteed wage kasama ang komisyon basta’t nakapag-render ng isang buwan sa trabaho, ang mga may multiple employers, mga nag-resign, ang mga na-terminate sa trabaho o nasa maternity leave at tumanggap ng salary differential.
Anag mga hindi naman saklaw ng 13th month pay ay ang mga nagtratrabaho sa personal service gayundin ang mga kumikita base sa komisyon.














