-- Advertisements --
Tinanggap ng Department of Labor and Employment ang inilabas na Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authoriy (PSA) noong Disyembre 2025.
Ayon sa DOLE na patuloy ang mga programa nila para lalong maparami ang mga Filipino na may trabaho.
Hindi rin aniya tumitigil ang kanilang ugnayan sa mga Local government units maging sa pribadong kumpanya para magsagawa ng malawakang job fairs.
Base kasi sa inilabas na Labor Force Survey ng PSA na noong Disyembre 2025 ay mayroong 95.6 percent o katumbas ng 49.43 milyon ang may trabaho na ito ay bumaba kumpara noong 2024 ng Disyembre na mayroogn 96.9 percent o 50.19 milyon ang may trabaho.
















