-- Advertisements --

Matagumpay na nailigtas ng Bureau of Immigration ang 24 mga Pilipino mula Cambodia na sapilitan umanong pinagtrabaho bilang ‘scammer’ abroad.

Ayon sa impormasyon ng kawanihan, ang na-repatriate na mga indibidwal ay na-recruit sa online o social media kalakip ang pangakong mataas na suweldo.

Ang trabaho anila papasukan ay bilang ‘customer service representatives’ ngunit kalauna’y nang dumating sila ay iba ang kanilang nadatnan.

Sa halip kasi na USD 1,500 usapang buwanang pasahod, tanging USD 300 lamang ang ibinibigay at sapilitan pang pinagtrabaho bilang love scammers.

Target raw anila biktimahin ang mga dayuhang lalake taga-Europa sa utos ng catphising syndicates pasimuno sa panloloko.

Pinarurusahan umano ng pisikal, at berbal na pang-aabuso ang mga Pilipino sa tuwing hindi naaabot ang mga quota nila.

Kaya’t buhat nito’y pinaalalahanan ni Commissioner Joel Anthony Viado ang publiko lalo na sa mga nais magtrabaho abroad na huwag pabiktima sa ‘illegal recruiters’.