-- Advertisements --

Nagbabala ang opisina ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa paglaganap ng mga pekeng account sa social media.

Ayon sa pahayag ng kampo ni Tagle na hindi nila kasama o konektado sa kanila ang YouTube Channel na “Cardinal Luis Tagle – Inspirations” at “The Light of the Church”.

Bagamat aniya na ang nasabing mga channels ay ginagamit ang video, imahe at pangalan ni Tagle ay hindi nila ito otorisado.

Nanawagan ang mga ito ng publiko na maging mapanuri at panoorin lamang ang lehitimong account ni Tagle.