-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng actress na si Jodi Sta. Maria ang pagkakaroon niya ng Positive Psychology Coach.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng kaniyang certificate.
Taong 2021 ng magtapos ng kursong psychology ang actress kung saan pursigido itong ipursige ang kaniyang Master’s Degree.
Sa kaniyang YouTube channel ay nai-aaply niya ang mga napag-aralan niya na tinuturuan ang mga tao.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kapwa artista at mga fans dahil sa achievement niya.