-- Advertisements --
Ikinasal na ang sikat na online personality na si Mr. Beast sa nobya nito.
Sa kaniyang social media ay ibihagi ni Mr. Beast o Jimmy Donaldson sa tunay na buhay ang larawan ng kasal nila ng nobyang si Thea Booysen.
Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang beach kung saan mayroon itong caption na “I found Mrs.Beast and It was the best day of my Life”.
Noong Enero ng nakaraang taon ng ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.
Una silang nagkakilala noong 2022 sa pagbisita ni MrBeast sa South Africa ang bansa kung saan isinilang si Thea.
Ipinakilala sila sa isa’t-isa sa pamamagitan ng mutual friend.
Si Mr.Beast ang unang YouTube content creator na nakaabot ng mahigit 500 milyon subscribers.
















