-- Advertisements --
Aabot sa 11 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa Durban City, South Africa.
Ayon sa mga otoridad, na pinasok ng tatlong kalalakihan na armado ng baril ang isang bahay kung saan mayroong isang pagtitipon.
Walang habas na nagpaputok ang mga suspek sa kinaroroonan ng mga biktima.
Dahil sa insidente ay namatay agad ng 10 biktima habang ang isang biktima ay nadala pa sa pagamutan subalit kalaunan ay pumanaw din.
Patuloy ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad kung saan inaalam din nila ang motibo ng nasabing pamamaril.
















