-- Advertisements --

Patay matapos pagbabarilin ang South African boxer na si Zolani Tete.

Si Tete ay dating WBO bantamweight at IBF junior-bantamweight champion.

Binarili ito ng hindi kilalang mga suspek habang papasok ito sa kaniyang bahay sa bayan ng Mdantsane sa Cape Town, South Africa.

Sugatan naman ang kasama nito habang mabilis na tumakas ang hindi kilalang suspek.

Ang 38-anyos na boksingero ay nakalaban na ni John Riel Casimero noong Nobyembre 2019 kung saan nagwagi ang Pinoy boxer sa WBO 118 pound title sa laban na ginanap sa England.

Mayroong record ang southpaw boxer na 29 panalo at apat na talo na may 22 knockouts.

Tanging si Casimero sa mga Pinoy boxers ang tumalo kay Tete.

Ilan sa mga tinalo ng South African boxer ay sina Arthur Villanueva, Rexon Flores,Eduard Penerio, Richard Garcia at Jether Oliva.