-- Advertisements --

Nagkamit ng panibagong record ang Kpop group na Blackpink.

Sila lamang kasi ang uang artist na nagtala ng 100 milyon na subscribers sa Youtube.

Inanunsiyo ito ng grupo sa kanilang social media account at sabay na pinasalamatan nila ang mga fans.

Dahil din dito ay binigyan sila ng YouTube ng custom Red Diamond Creator Award sa grupo.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga fans ng nasabing grupo.