-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad sa South Korea ang isang YouTuber dahil sa pagkalat ng fakenews , panglalait at pagsasalita ng masama sa aktor na si Kim Soo-hyun.
Ayon samga otoridad ang suspek na si Kim Se-ui na siyang nasa likod ng YouTube channel na Hover Lab ay nagpakalat ng mga fake news.
Isa sa mga pinakalat nito ay ang pagkakaroon ng relasyon nila Kim Soo-hyun sa isang aktress noong ito ay bata pa.
Mariing itinanggi ito ni Kim Se-ui ang alegasyon kung saan nakatakda itong magsampa ng reklamo laban sa mga kapulisan.
Ang alegasyon kay Kim Soo-hyun ay naging matunog noong nakaraang taon matapos na magpakamatay ang aktres na si Kim Sae-ron sa edad na 24.
















