Inanunsiyo na ng BTS ang petsa at ang presyo ng tickets para sa kanilang konsiyerto sa bansa.
Ayon sa organizer na gaganapin ito sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan sa Marso 13 at 14, 2027.
Gagamit sila ng 360-degree na stage sa gitna ng venue sa Bulacan na ito ay extended pa sa apat na diagonal catwalks sa bawat sulok ng stadium.
Ang pinakamahal na presyo ng tickets ay nagkakahalaga ng P25,000 at ang pinakamura ay nagkakahalaga ng P7,500.
Naghigpit lamang ang organizers sa pagbenta ng tickets kung saan maari lamang ng hanggang dalawang tickets sa bawat account at maximum ng anim na tickets kada show.
Binubuo nina RM, Jin, J-Hope, V, Suga at Jungkook ang grupo kung saan kasalukuyan silang nasa kanilang world tour para sa promosyon ng kanilang album na “Arirang”.
















