-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng K-pop star na si Sandara “Dara” Park na ito ay nakabakasyon sa Pilipinas.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ng singer ang ilang larawan ng kaniyang pagbabalik sa bansa.

Kasama nito ang mga kaibigan para magbakasyon sa Pilipinas.

Hindi nakakalimutan ng 2NE1 member ang pagbisita sa Pilipinas dahil sa may dugo itong Pilipino.

Sumikat ito noong 2004 sa pagsali sa reality show kung saan taong 2009 ng maging miyembro ito ng Korean group na 2NE1.

Isinagawa rin ng grupo ang kanilang reunion concert sa bansa noong 2024.