-- Advertisements --
Masayang ipimalita ni Sandara Park na itinalaga siya bilang bagong ambassador ng Overseas Koreans Agency.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang magandang balita bilang pagkakatalaga sa kaniya bilang Public Relations Ambassador sa Overseas Koreans Agency.
Labis itong nagpapasalamat dahil sa pinakatiwala sa kaniya ang nasabing posisyon.
Inalala din nito ang paninirahan sa Pilipinas kung saan nagbigay ito ng mas malalim na ugnayan sa mga overseas Korean community.
Natitiyak niya na kaniyang paiigtingin ang trabaho para sa mga mamamayan nitong Koreans.















