-- Advertisements --
Inanunsiyo ng K-pop group na NCT 127 ang kanilang nakatakdang konsiyerto sa bansa.
Ang NCT 127 5TH Tour ‘Neo City: Manila- The Redline” ay gaganapin sa darating ng Disyembre 12 sa MOA Arena.
Nakilala ang grupo sa mga kakaibang mga experimental sound, explosive stage at performance sa stage.
Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Cherry Bomb” ; “Kick It” , “Stickert”, “2 Baddies” at maraming iba pa.
Sa mga nagdaang taon ay nakatanggap na ang grupo ng ilang mga pagkilala mula sa Mnet Asian Music Awards, Golden Disc Awards, Seoul Music Awards at Asia Artist Awards.
















