-- Advertisements --
Naglabas ng bagong album ang Korean group na BlackPink.
Sa kanilang social media account ay ibinahagi nila ang paglabas ng “Deadline”.
Ito ang unang paglabas matapos ang tatlong taon ng inilabas ang “Born Pink”.
Ang nasabing album ay mayroong limang kanta kung saan nagkaroon ng iba’t-ibang bagong istilo ang grupo.
Cariier single ng album ay ang kantang “Go” na nagbibigay ng panibagong lakas para sa mga tagapakinig.
Magugunitang iba’t-ibang record na ang hawak ng grupo gaya ng unang artist na may 100 milyon na subscribers sa YouTube at iba pa.
















