-- Advertisements --

Kinansela ng girl group na Momoland ang kanilang “10th Anniversary FAN-CON (Very Merry Party)” sa Pilipinas.

Ayon sa grupo na dahil sa hindi inaasahang problema ay hindi na matutuloy ang nasabing aktibidad na gaganapin sa susunod buwan.

Gaganapin sana sa Agosto 8 sa Quezon City.

Dahil dito ay humingi ng paumanhin ang Three Angles Production sa mga fans ng grupo matapos ang nasabing kanselasyon.

Tiniyak nila na kanilang ibabalik ang bayad ng mga nakabili na ng nasabing mga tickets.

Nabuo ang grupo noong 2016 kung saan ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Bboom,Bboom” “Baam”,”I’m So Hot” at “Thumbs Up”.

Subalit pagdating ng 2020ay nabawasan ng dalawa ang miyembro at naging anim na lamang.

Huling bumisita ang grupo noong 2022 bago ang tuluyang paghihiwalay nila pagkatapo ng isang taon.