-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sinimulan na ng binuong Special Investigation Task Group o SITG Martizano ang kanilang mas pinalalim na imbestigasyon ukol sa pananambang kahapon kay Mayor Ronito Martizano sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Surigao del Sur Police Provincial Office Director PCol Lawrence Jeffrey Mauricio na handa na silang magsasampa ng kaso laban sa natumbok na mga persons of interest na nakita ng mga nakasaksi sa nasabing kremin na naganap pasado alas-4:40 kahapon ng hapon sa Brgy Dughanon.

Inantay na lamang nila ang time availability ng mayor lalo na’t kagagaling pa lang nito sa operasyon at sa ngayo’y nasa ligtas na itong kalagayan habang nasa ospital pa rin ang kanyang closed-in bodyguard na may tama din sa balikat.

Isa sa mga anggulong kanilang tinututukan na posibleng motibo sa kremin ay ang pagpapasara nito sa ilegal na large-scale mining operation sa Brgy Tambis nitong nakaraang Sabado kungsaan mga Intsik umano ang nagpi-finance nito.