-- Advertisements --

Bukas ang Malacañang na suportahan ang panukalang batas na naglalayong i-regulate ang paggamit ng internet ng mga kabataan.

Kasunod ito ng inihaing panukala ni Senador Ping Lacson na higpitan ang internet access ng minors dahil sa potensyal na epekto nito sa mental health batay sa mga pag-aaral.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, anumang hakbang na makabubuti sa kapakanan ng publiko, lalo na ng mga kabataan, ay maaaring tanggapin ng administrasyon.

Kung mapapatunayang makatutulong ang panukala sa mental well-being ng kabataan, makakaasa raw na makakakuha ito ng suporta mula sa Pangulo.