-- Advertisements --

Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng officer in charge sa Department of Health (DoH).

Sa katauhang ito, si Usec. Maria Rosario Vergeire na tumatayong undersecretary for public health services, ang pansamantalang mangunguna sa trabaho ng buong ahensya.

“Ngayong araw po ay itinilaga po si Dr. Rosario Vergeire bilang OIC ng Department of Health,” wika ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles.

Samantala, nag-nominate naman si Pangulong Marcos ng general manager sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa katauhan naman ito ni Mel Robles na dating LRT administrator.

Inaasahang makokompleto ang gabinete bago pa man ang unang State of the Nation Address (SONA) ng chief executive sa July 25, 2022.