-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista dahil sa inaasahang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Base sa pagtaya ng DOE, na magtaas mula P0.80 hanggang P1.00 ang kada litro ng gasolina at diesel.
Habang ang kerosene ay maaring tumaas ng hanggang P0.80 kada litro.
Isa sa mga nakitang dahilan ay ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang taas presyo ng mga produktong langis kung saan ito ay magiging epektibo sa araw ng Martes.