-- Advertisements --

Emosyonal na inalala ni Queen of All Media Kris Aquino ang dati nitong sarili kung saan patuloy na nilalabanan ng pribado ang kanyang karamdaman.

Maaalalang una nang sinabi ni Kris na mayroon na siyang siyam na diagnosed autoimmune diseases, at isang ika-sampu na resulta ng komplikasyon.

Ayon sa isang post sa social media ng matalik na kaibigan ni Kris na isang dating showbiz writer na si Dindo Balares, nasa isang pribadong resort si Kris kung saan siya ay inaalagaan at pinagluluto ng organic meals.

Sa isang emosyonal na sandali, sinabi ni Kris na, ”Nakita mo na ang kalbaryo ko, Kuya Dindo,” habang inaalalayan siya ng kaibigan na ibinahagi din ni Balares ang mga larawan ni Kris na nakasuot ng pink kung saan labis daw ang pananabik nito sa kanyang dating sigla, matapos mapanood aniya ang isang viral video na nagpapakita ng kanyang iconic TV moments.

Ani Kris, ”people do not realized how much I miss the old me…But I am human and it hurts so much.”

Mariin ding pinabulaanan ni Balares ang usap-usapang nasa Caramon si Kris, at nilinaw na hindi ito totoo.

‘Wala po si Kris sa Caramoan. At wala rin po ako riyan,’ ani Balares.

Samantala sa gitna ng kanyang kalagayan, patuloy ang pag-suporta at panalangin ng kanyang mga kaibigan at fans para sa kanyang ganap na paggaling.