-- Advertisements --

Inamin ni Kris Aquino na nakararanas siya ng matinding pananakit sa buto tuwing malamig ang panahon, kasabay ng pag-amin na sinubukan niya ang bagong gamot ngunit hindi aniya ito para sa kanya.

Sa kanyang Instagram post noong Nobyembre 5, ikinuwento ng “Queen of All Media” na hindi tumalab ang bagong gamot na inirekomenda sa kanya upang maibsan ang pananakit dulot ng fibromyalgia, isa sa 11 autoimmune diseases ng aktres.

Ayon kay Kris, “The bone pain is awful because of the weather. But this is now part of my life and it hasn’t broken my spirit yet.”

Binanggit din ng TV host-actress ang isang lalaki na nakasama niya sa simula ng taon—na pinaniniwalaang si Dr. Mike Padlan, ang kanyang dating kasintahan at dating doktor habang siya ay nagpapagamot sa California na maalalang nagtapos ang kanilang relasyon noong unang bahagi ng taon.

Sa ngayon, nasa Tarlac parin si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, kung saan abala sila sa simpleng pamumuhay.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, nananatiling positibo si Kris at sinabi niyang, “Probinsyana na si KCA, and it’s love, love, love.”