-- Advertisements --

Patuloy ang pagganda ng kalusugan ng actress na si Kris Aquino sa kasagsagan ng kaniyang pakikipaglaban sa autoimmune disease.

Sinabi ng kaniyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares na ayaw ng actress na maging dependent.

Ibinahagi rin ni Balares ang mga larawan ng tinaguriang ‘Queen of All Media” matapos na humihingi ng update ang kaniyang mga fans.

Nagkakaroon din ito ng gana sa pagkain kaya bumabawi na ang timbang ng kaniyang pangangatawan.

Patuloy din paghingi ni Balares ng pagdarasal sa actress para sa tuluyan nitong paggaling.