-- Advertisements --
Sa kakaibang pamamaraan ay binati ng tv-host/actress Kris Aquino ang ika-19 na kaarawan ng anak nitong si Bimby.
Sa social media account ay nagpost ito ng larawan ng anak at kasama ang isang misteryosong babae.
Makikita na tinakpan ni Kris ng emoji na hugis puso ang mukha ng babae.
Ibinunyag pa ng aktres ang kasabikan ng makilala ang misteryosong babae.
Hiniling pa nito sa anak na bigyan ito ng regalo subalit tumanggi ang anak dahil alam niya na ito ay galing sa kaniyang ina mismo.
Dagdag pa nito na hiling niya na ito na sana ang una kahit na maging huling nobya nito.
















