-- Advertisements --

Naging simple lamang ang ginawang paghahanda ni Kris Aquino para sa ika-31 kaarawan ng anak nitong si Josh.

Tanging mga malalapit na kaibigan at pamilya lamang ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Ibinahagi ng tinaguriang Queen of All Media ang ilang larawan kasama ang nakakabatang anak nitong si Bimby at mga kapatid ng dating presidential daughter.

Pinasalamatan ni Kris ang anak dahil sa naging malaking tulong ito sa kaniya habang lumalaban siya sa kaniyang autoimmune disease.

Pinuri din ni Kris si Josh dahil siya ang nanghihikayat sa kaniya na tumayo sa kama para manood ng pelikula sa sala.