Pinabulaanan ng malapit na kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares ang kumakalat na tsismis na pumanaw na ang TV host-actress.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Dindo, kaibigan ni Kris na personal siyang nakipag-usap kay Kris kamakailan.
‘Nagkakontakan kami ni Krisy sa messaging app kinagabihan, and yes, good news, she’s really alive!’ ani Balares sa post.
Ibinahagi rin niya ang naging pag-uusap nila, kung saan inilahad umano ni Kris ang tungkol sa kanyang kalusugan. Ayon kay Kris, tumaas ang blood pressure nito hanggang 172/112, dahilan para siya’y isugod sa ospital.
‘When I reached 172/112 – I told Alvin to call St. Luke’s for an ambulance,’ ani Kris sa mensahe.
Sa kabila nito, masaya rin ang balita ni Kris na lumiit na ang isang blood clot na dating kailangang operahan. “Thank you for the prayers, it has shrunk significantly,” dagdag niya.
Nanatiling positibo at matatag si Kris, ayon kay Dindo: “Marami pa ring dinaramdam at ginagamot kay Kris. Pero lagi pa ring matapang sa buhay. Siya na mismo ang nagsabi, ‘kaya pa!'”