-- Advertisements --
May malaking posibilidad na aprubahan na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P1.00 na dagdag pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na posibleng sa susunod na linggo ay maaring ipatupad na nito.
Nakita kasi ng ahensiya ng lingguhang pagtaas ng mga presyo ng mga produktong petrolyo.
Paglilinaw pa nito na flat-rate muna ang singilan at hindi ang kada kilometro para hindi mabigat sa mga mananakay.
Giit nito na ang provisional increase ay base sa ilang kondisyon kapag ang preso ng gasolina ay pumalo na ng $80 kada bareles ng Dubai oil.
Maari din nilang payagan ang taas pasahe sa mga provincial buses subali isinasapinal pa lamang nila ang computations.