-- Advertisements --

Wala pang nakikitang pangangailangan si PBBM na magpatupad ng mandatory repatriation sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng nagpapatuloy ngayong tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa sa middle east.

Ayon kay Pangulong Marcos na ipauubaya muna nila sa ngayon sa mismong mga indibidwal o pamilyang Pilipino na nasa dalawang bansa ang pag desisyon kung gusto nilang maiuwi rito sa Pilipinas o hindi.

Siniguro ng Pangulo na nakabantay ang gobyerno sa sitwasyon ng mga kababayan natin sa parehong bansa.

Sabi ng Presidente nakontak na ang mga Pilipinong nasa Iran at Israel at kinuha na ang kanilang panig.

At ang ilan ay naghayag na manatiili na muna roon, habang ang iba ay nais na nilang umuwi sa bansa.

Binigyang diin ng Pangulo na ang malaking hamon ngayon ay maraming paliparan ang sarado dahil sa gulo kaya naghahanap aniya ng ibang rutang pwedeng madaanan pabalik dito sa bansa.

“Some have asked to be evacuated out of Israel, some now, nung una sa Iran, ayaw nila munang umalis pero ngayon meron ng sinasabi na kailangan na, natatakot na sila kaya nagpapatulong na makalabas. Ang naging problema natin sa pag evacuate sa kanila ay dahil sa giyera maraming sarado na airport. Kaya’t naghahanap tayo ng ruta kung saan sila mailabas,” pahayag ng Pangulong Marcos.