-- Advertisements --
Nagpasya si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo ng personal sa pagbasa ng hatol sa apila nitong interim release sa International Criminal Court (ICC).
Nakatakda kasing basahin ng ICC Appeals Chamber ang apila ng dating pangulo ngayong Nobyembre 28 dakong alas-5:30 ng hapon oras sa Pilipinas.
Ipinakita ng abogado nito na si Nicholas Kaufman ang waiver na pirmado ng dating pangulo na gamitin ang karapatan nito na hindi dumalo ng personal sa pagbasa ng desisyon ng apila ng defense.
Dahil dito ay kakatawanin na siya ng abogado nitong si Kaufman.
Magugunitang nahaharap sa kasong crime against humanity ang 80-anyos na dating pangulo dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga noong ito ay nakaupo sa puwesto.
















