Binalewala ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang mga usap-usapang may bantang pagpapalit sa pamunuan ng Senado, at inilarawan ang mga ito bilang isang paulit-ulit na taktika na matagal nang ginagamit upang lumikha ng intriga sa loob ng institusyon.
Ito ay kasunod ng pagkalat ng mga usapan-usapan na may umuusbong umanong kilusan upang palitan ang kasalukuyang pamunuan ng Senado, dahil umano nasisiyahan ang ilang mambabatas sa liderato ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Ayon kay Lacson, hindi na bago ang ganitong mga espekulasyon at maituturing na bahagi ng matagal nang larong pampulitika sa Senado. Aniya, mula pa noon ay may mga tangkang pahinain ang pamunuan sa pamamagitan ng tsismis at haka-haka, subalit hindi ito nagbubunga.
Sa isang pahayag, inihalintulad ni Lacson ang naturang mga banta sa isang “continuing crime,” na aniya’y laging umiiral ngunit bihirang magkatotoo.
Nilinaw rin ng senador na walang opisyal na hakbang o kumpirmasyon mula sa hanay ng mayorya hinggil sa sinasabing paglipat ng suporta o pagbabago ng liderato sa Senado.
Samantala, tila baliktad ito sa pahayag ni Sotto noong byernes kung saan sinabi nitong may mga pagkakataon ng biruan kasama ang ilang miyembro ng minorya kabilang sina Senator Bong Go at Senator Robinhood padilla ng posibleng paglipat sa mayorya.
Habang matatandaan naman na noong Oktubre ng nakaraang taon, mariin ding pinabulaanan ni Lacson ang parehong na mga alegasyon at tinawag ang mga ito bilang lumang taktika ng psyear na layong lituhin ang publiko at maghasik ng pagkakahati-hati sa loob ng mayorya.
















