Nanawagan si Israeli Ambassador to the Philippines Dana Kursh sa gobyerno ng Pilipinas na tanggalin na ang ipinatupad na travel alert sa mga Filipino.
Sinabi nito na mahalaga na alisin na ng Department of Foreign Affairs ang nasabing travel alert para maipakita na ang Israel at Pilipinas ay hindi apektado ng terorismo.
Maraming bansa na rin aniya ang nagtanggal ng travel alert kaya mahalaga ito para sa mga negosyante at pilgrims na mga Pinoy para makabisita sila sa Israel.
Magugunitang noong Hunyo 2025 ay itinaas pa rin ng DFA ang alert level 2 sa Israel na ang ibig sabihin ay tanging mga essential travels ang papayagan habang pinagbabawal ang pagpapadala ng mga bago o first time Filipino workers maliban lamang sa mga may kasalukuyang kontrata.
















