BUTUAN CITY – Umabot sa 108 pamilya ang naapektuhan ng malaking sunog sa Taft Public Market sa Nueva, Barangay Taft, Surigao City, sakop ng lalawigan ng Surigao del Norte kahapon, Lunes, na nagsimula pasado alas-4:31 ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection–Surigao City Fire Station, umabot sa 14 mga fire trucks ang rumesponde sa sunog na umabot sa 5th alarm na swerte namang walang naiulat na nasawi.
Ayon kay Fire Sr. Insp. Eduardo Quinto Jr., Fire Marshall ng BFP-Surigao City, nagpapatuloy pa ang kanilang pagsisiyasat sa kabuuang halaga ng pinsala sa sunog gayundin ang pagtukoy kung saan nagmula ang apoy.
Pinaalalahanan din ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang publiko na mag-ingat palagi upang maiwasan ang ganitong insidente.
















