-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Israel na naging matagumpay ang ginawa nilang airstrike sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa Israel Defense Forces, na kanilang napatay sa airstrike si Haytham Tabtabai ang chief of staff ng Hezbollah.
Sa nasabing pag-atake rin ay limang iba pa ang nasawi at 25 ang sugatan.
Isinagawa ang airstrike matapos ang isang taon na pagtatapos ng ceasefire sa pagitan ng Hezbollah at Israel.
Sinabi naman ni Israeli Defense Minister Israel Katz na gagawin nila ang lahat ng makakaya para matanggal ang banta sa mga residente ng Israel.
















