-- Advertisements --

Ikinalungkot ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na mayroong 67 na mga batang Palestino ang nasawi mula ng magsimula ang ceasefire agreement na pinamunuan ng US.

Ayon kay UNICEF spokesperson Ricardo Pires , na nangyari ang pagkakasawi ng mga biktima sa kasagsagan ng ceasefire na nagsimula noong Oktubre 11.

Kabilang ang mga biktima sa kabuuang mahigit 64,000 na nasawi sa Gaza mula ng magsimula ang pag-atake ng Israel noong Oktubre 2023.

Inaakusahan din ang Israel na ginagamit ang kagutuman bilang isang armas sa giyera dahil may ilang insidente ng pagkakasawi dahil sa kagutuman.