-- Advertisements --
Hinikayat ng United Nations human rights office ang mga bansa na magsagawa ng imbestigasyon sa ginawang pag-atake ng Israel sa Lebanon.
Ayon sa UN High Commissioner for Human Rights, na maaring lumabag sa international humanitarian law ang Israel matapos ang isang taon na napirmahan ang ceasefire.
Tinutukoy ng UN ang ginawang atake ng Israel sa Ein el-Hilweh refugee camp kung saan kabilang sa nasawi ay 11 na mga bata.
Base sa datos ng UN na mayroogn mahigit 300 na katao sa Lebanon ang nasawi sa ginawang pag-atake ng Israel mula ng mapirmahan ang ceasefire noong Nobyembre 27, 2024.
















