Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte na lumiban sa kanyang annual detention hearing sa Pebrero 27, isang hakbang na labis na ikinadismaya ng mga biktima.
Sa inilabas na desisyon ng Pre-Trial Chamber I kahapon Pebrero 25, sinabing walang nakasaad sa legal framework ng korte na nag-oobliga sa personal na pagdalo ng suspek.
Nauna nang nagsumite ang depensa ng written waiver na nagpapatunay na nauunawaan ni Duterte ang mga epekto ng kanyang pagliban at piniling magpakatawan na lamang sa kanyang mga abogado.
Para sa Common Legal Representatives of Victims (CLRV), ang patuloy na hindi pagharap ni Duterte sa korte ay extra disappointing.
Ayon kay Common Legal Representatives of Victims counsel Paolina Massidda, umaasa ang mga pamilya na makita ang dating pangulo na sumasagot sa mga mahistrado.
Sa kabila nito, nagpahayag ng kasiyahan ang mga abogado sa malinaw na presentasyon ng ebidensya ng Prosecution.
Binigyang-diin din ng Common Legal Representatives of Victims na pinanatiling anonymous ang mga biktima sa paglalahad ng kanilang mga kwento bilang mahalagang hakbang para sa kanilang seguridad at kaligtasan.
















