Inanunsyo ni US President Donald Trump na may nakapledge nang $5 bilyon (mahigit P289M) bilyon ang ipinangakong pondo ng kanyang bagong tatag na “Board of Peace” para sa muling pagbangon ng Gaza, bukod pa sa libu-libong tauhan na ilalaan para sa international stabilization at police forces sa nasabing teritoryo.
Ayon kay Trump, pormal na iaanunsyo ang mga pangako sa unang pagpupulong ng board sa Washington ngayong Huwebes. Gayunman, hindi niya tinukoy kung aling mga bansa ang nagbigay ng pondo.
Samantala, sinabi ng Indonesia na maaaring magtalaga ito ng hanggang 8,000 sundalo bilang bahagi ng humanitarian at peace mission sa Gaza, unang konkretong commitment na natanggap ng administrasyon.
Ayon sa United Nations, World Bank, at European Union, tinatayang $70 bilyon ang kailangan para sa kabuuang reconstruction ng Gaza matapos ang mahigit dalawang taon ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas. (report by Bombo Jai)
















