Pinuna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Senator Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pagliban nito sa session.
Si dela Rosa ang inatasan na magdepensa sa panukalang 2026 budget ng mga pangunahing security agencies sa bansa.
Sinabi ni Sotto na mula pa noong Nobyembre 11 ng bumalik ang sesyon ng Senado ay hindi na dumalo si dela Rosa.
Hindi pa rin ito nagpaalam sa kaniya at walang anumang ugnayan mula pa noong nagkaroon ng break ng mahigit isang buwan.
Dahil dito ay sinalo na ni Senator Sherwin Gatchalian ang papel ni Dela Rosa para talakayin ang budget ng mga ahensiya gaya ng Department of National Defense (DND), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at National Security Council (NSA).
Magugunitang hindi na dumalo sa mga sesyon mula ng ibunyag ni Ombudsman Jesus Remulla na mayroon itong hawak na digital copy ng warrant of arrest ni Dela Rosa na galing sa International Criminal Court (ICC).
















