-- Advertisements --
Binaha ng malakas na ulan ang Gaza Strip, tumama sa mga tolda ng libu-libong Palestinong nawalan ng tahanan bago pa man dumating ang taglamig.
Karamihan sa 2 milyong residente ay napilitang lumikas sa dalawang taon ng digmaan ng Israel laban sa Hamas, at marami ang naninirahan sa mga tolda at simpleng silungan.
Ayon sa mga opisyal, luma at sirang mga tolda at tarp ang tanging tirahan ng mga tao. Kailangan umano ng 300,000 bagong tolda para matulungan ang 1.5 milyong pa rin na displaced.
Libu-libong tolda ang binaha, may mga nawasak, at napilitang isara ang isang field hospital. Limitado ang tulong ng UN dahil sa restriksyon ng Israel, habang iginiit ng Hamas na kulang ang ipinapasok na ayuda. (Report by Bombo Jai)
















