Naghain na ng warrant of arrest ang Albay Police laban kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance Director Gene Ryan Alaurin Altea matapos na masangkot ang kaniyang panagalan sa listahan ng mga ipinapahanap ng mga otoridad na nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon kaugnay sa mga maaanomalyang flood control ptojects sa bansa.
Ayon sa Daraga Municipal Police Station, inihain ang warrant sa isa sa mga tahanan ni Altea sa Barangay Tagas sa Daraga kung saan wala silang naabutang personalidad at pinaniniwalaang ang asawa at ina ni Altea ay kasalukuyang nasa Maynila.
Ang warrant of arrest laban kay Altea ay inisyu ng Sixth Division ng Sandiganbayan niotong Nobyembre 21 na nagsasaad ng mga paglabag sa Article 217 at Article 172 Section 4 ng Revised Penal Code o mga reklamong malversation of public funds through falsification of public documents.
Samantala, dagdag pa dioto ay nahaharap rin si Altea sa ihiwalay na kaso na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at isa rin sa mga kabilang sa listahan ng mga naisyuhan ng Hold Departure Order (HDO) ng Bureau of Immigration (BI).
















