-- Advertisements --

In-acquit ng Sandiganbayan si dating PNP chief Alan Purisima at 16 iba pang akusado kaugnay ng diumano’y irregular na kontrata ng PNP sa Werfast Documentary Agency, Inc. noong 2011.

Sa desisyon ng Sixth Division ng korte, sinabi nilang nabigong patunayan ng prosekusyon ang kasalanan ng mga akusado, “beyond reasonable doubt.”

Magugunitang ang dating PNP cheif ay inakusahan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagpirma ng memorandum ng kasunduan sa Werfast para sa computerized firearms license renewal system.

Kung saan ayon sa prosekusyon, hindi dumaan sa public bidding ang kontrata at hindi kwalipikado ang Werfast bilang courier firm, wala itong SEC registration at permiso mula sa Department of Transportation and Communications.

Subalit, sinabi ng Sandiganbayan na walang pruweba ng conspiracy at walang sapat na patunay ng aktwal na pinsala dulot ng mga pagkaantala sa pag-deliver ng firearms licenses.

Inalis din ng korte ang mga hold departure orders laban sa mga akusado at inutusan ang Bureau of Immigration na tanggalin na ang kanilang mga pangalan sa watchlist.